Naitala noong Biyernes ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 infection sa loob ng Mandaue City Jail sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat ng Department of Health-Region 7 nitong Sabado,  sinabi rin na preso (o Person  Deprive  of Liberty) ang nahawaan sa loob ng kulungan. 

Ginagamot na umano Vicente Sotto  Memorial  Medical Center (VSMMC)  ang 24-anyos na inmate na nakararanas ng dyspnea at edema.

Batay sa tala ng DOH-7,  mayroon nang 11 cases ng COVID -19 ang Mandaue City, dalawa ang naka-recover at isa naman ang nasawi.

Sinubukan ng GMA News na makapanayam ang mga kawani ng Mandaue City Jail, pero wala pang sumasagot sa tawag sa telepono ang himpilan. —LBG, GMA News