Ibinahagi ng Kapuso actress-TV host na si Shaira Diaz na sumailalim siya kamakailan sa operasyon.

Sa Facebook post, inihayag ng "Unang Hirit" host na sumailalim siya sa laparoscopic appendectomy.

"Ang normal appendix daw ay kasing nipis ng eyelid, ang nakuha sakin ay triple nang laki niya, parang skinless longganisa. Mabuti na lang talaga at hindi pumutok. Salamat sa Diyos," saad niya.

Inihayag ni Shaira na recovering na siya pero "still in pain so please pray for me."

"Important reminder: ALWAYS LISTEN TO YOUR BODY and see a doctor when something feels off. Wag babalewalain," payo pa ni Shaira.

Sa kaniyang Instagram Stories, makikita na kasama ni Shaira sa ospital ang kaniyang fiance na si EA Guzman.

"I love you, thank you," saad ni Shaira.

Inihayag naman i EA sa kaniyang IG Stories na, "Aything for you, my love... Hindi ako magsasawang alagaan ka."

Nitong nakaraang Pebrero, inihayag nina Shaira at EA na engaged na sila mula pa noong 2021.

Kasunod nito, sinabi ni Shaira na magpapakasal sila nila EA kapag nakatapos na siya sa kolehiyo, na natupad niya nitong nakaraang Agosto.—FRJ, GMA Integrated News