Hinatid na sa kaniyang huling hantungan nitong Sabado ng umaga ang matriarch ng Regal Entertainment na si Mother Lily Monteverde matapos pumanaw sa edad 84.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, sinabing nag-Misa muna sa tahanan ng mga Monteverde, bago inihimlay ang mga labi ni Mother Lily sa The Heritage Park sa Taguig City.

Bumuhos ang pakikiramay at pagmamahal ng mga taga-industriya para kay Mother Lily sa huling pagkakataon.

Bago siya ilibing, muling nagdaos ng isa pang Misa.

Pinamahalaan ni Mother Lily ang Regal Films sa paggawa ng mga blockbuster movie, kabilang ang iconic na "Mano Po" anthology at "Shake, Rattle & Roll.''

Namaalam si Mother Lily ilang araw matapos na sumakabilang-buhay din ang kaniyang mister na si Remy noong Hulyo 29. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News