Sinorpresa ni Michael Bublé ang fans ng bandang Foo Fighters nang magkunwari siyang fan at umakyat sa stage para i-perform ang sarili niyang kanta.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing ilang linggo nang kinakanta ng Foo Fighters sa kanilang tour ang awitin ng mga kapuwa performer gaya ng "Haven't Met You Yet" ni Michael.
Biro ng isang band member, walang nakakaalam sa lyrics ng naturang awitin.
Kaya sa kanilang performance sa California, tinawag nila ang isang "fan" para makisabay sa kanila sa pagkanta sa naturang awitin.
Nang umakyat sa stage ang "fan," nagulat ang mga manonood sa concert nang makita nila si Michael.
Sa Instagram, nag-post din si Michael ng video niya habang nasa backstage kasama ang miyembro ng banda na si Dave Grohl.--FRJ, GMA Integrated News