Reunited at nagbabalik para sa isang world tour sa 2025 ang Kpop girl group na Blackpink, ayon sa YG Entertainment.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali, sinabing "back in your area" ang grupo na binubuo nina Lisa, Rosé, Jennie at Jisoo, matapos ang kanilang Born Pink World Tour.
Sinabi pa ng YG Entertainment na magiging abala rin ang taon para sa iba pa nilang talents tulad ng Treasure at Babymonster.
—Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News