Nasawi ang isang babaeng Russian na nagyo-yoga malapit sa dagat matapos tangayin ng mga alon sa Koh Smui, Thailand.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing dahil sa nagngangalit na dagat, hindi agad nakapagsagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad.

Nangyari ng insidente noong Nobyembre 29 subalit Disyembre 1 na nakita ang katawan ng babae.

Ayon sa kasintahan ng biktima, ikakasal na sana sila ngayong Disyembre.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News