Grateful si Dingdong Dantes sa sorpresang almusal at karaoke medley na ibinigay ng kaniyang mag-iinang sina Marian Rivera, Zia at Ziggy sa pagdiriwang niya ng kaniyang ika-43 kaarawan.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Dingdong ang intimate morning nila ng kaniyang pamilya, habang nakasuot pa sila ng kanilang pajamas.
"Embracing 43 with all the love and energy from my family!" caption ni Dingdong.
“They surprised me with a beautiful breakfast and an early Karaoke medley— huwaw!!” kuwento pa ng “Royal Blood” star, at naka-tag ang kaniyang asawang si Marian.
Bukod dito, may sweet message din si Marian para sa sa kaniyang asawa.
Sa kaniyang Instagram, nag-post si Marian ng larawan ni Dingdong suot ang isang velvet burgundy tuxedo na kinunan sa GMA Gala.
"Cheers to the most amazing husband on his special day! Happy birthday to the one who fills my life with love and happiness,” caption ni Marian.
“I thank GOD every day for sending you into my life, my good-soul partner. Here’s to another year of laughter, adventures, and endless love. ???????? Mahal kita ng todo!” pagpapatuloy ng Kapuso Primetime Queen.
Nakatakdang muling magsama sina Marian at Dingdong sa kanilang comeback project sa isang pelikulang pinamagatang “Rewind,” na tungkol sa second chances.
--FRJ, GMA Integrated News