Pinusuan ng netizens ang bagong skill na na-unlock ni Miguel Tanfelix na pag-backflip sa tubig.

 

Sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang impressive backflip ng "Voltes V: Legacy" star habang nagbabakasyon kasama ang kaniyang co-star na si Ysabel Ortega at iba pa nilang kaibigan.

Isa lamang ang naturang achievement sa mga highlight ng aquatic adventure ni Miguel na sobra niyang ikinatuwa.

“[S]harkboy,” caption ni Miguel, na gumaganap bilang si Steve Armstrong sa naturang series. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News