Bilang isang couple, nagdesisyon sina Iya Villania at Drew Arellano noon na dapat muna silang ikasal bago may mangyari sa kaniya. Ito rin kaya ang ipapayo nila sa kanilang mga anak?

“Well, there is only so much I can do. I will do my best to let them know what I guess we were able to do. But I just wanna support them in whatever way I can. I don’t want to scare my children away,” saad ni Iya sa “Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes bilang sagot sa tanong ng King of Talk.

Ayon kay Iya, bagaman nais niyang gawin din ng kanilang mga anak ang naging desisyon nila ni Drew noon, rerespetuhin naman daw niya anuman ang magiging desisyon ng mga bata kapag malalaki na ang mga ito.

“It’s something that I wish for myself, it’s something that I would wish for them. But if it’s different for them 25 years from now, what I’ll do best is to just educate them about sex,” pagpapatuloy pa ni Iya.

Paliwanag naman ni Drew, "Kasi sometimes I feel lang kasi eventually, we passed through different phases in our lives wherein nag-iiba-iba ‘yung mindset natin. Kung minsan nagiging close-minded muna tapos nagiging open minded tayo and then we’re like exposed to different belief systems and the times I guess also.”

Para kay Iya, mahalaga na matutunan ng kanilang anak na pahalagahan ang kanilang mga sarili at pati na ang ibang tao.

“I think with that, that would already kind of set them in the right direction,” anang Chika Minute anchor.

Ikinasal sina Iya at Drew noong 2014. Mayroon na silang apat na anak na sina Primo, Leon, Alana at Astro. --FRJ, GMA Integrated News