Ngayong apat na ang anak nila ni Iya Villania, papayag na kayang magpa-vasectomy si Drew Arellano?

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, nagpahiwatig si Drew na hindi na niya planong magdagdag pa ang anak nang batiin niya si Iya na nagdiriwang ng kaarawan.

“You’re the best mother to all the kids, and, uh, I will do my vasectomy soon,” sabi ni Drew na nagpatawa kay Iya.

“Say it’s a joke,” sambit ni Tito Boy, na sinundan ni Iya.

Pero ayon sa "Biyahe ni Drew" host, “No, that’s the plan. That’s our plan,” na sinang-ayunan naman ni Iya.

Nangangahulugan nga kaya ito na wala nang baby no. 5 na darating sa Casa Arellano? Sabi ni Iya, “Let’s see. Until he gets it done, we never know, right?”

“Hindi naman bukas yung schedule, ‘di ba?,” hirit pa ng Chika Minute anchor.

Taong 2014 nang ikasal sina Drew at Iya. Mayroon na silang apat na anak na sina Primo, Leon, Astro, at unica hija na si Alana. — FRJ, GMA Integrated News