Inihayag ni Angel Guardian na mayroon siyang “someone special” sa kaniyang lovelife ngayon. Inihayag din ng young actress ang ginagawa sa kaniya ni Kokoy De Santos para kiligin.

“Yes or no, may boyfriend ka ba ngayon?” tanong ni Tito Boy Abunda kay Angel sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

“I have someone special,” sagot ng first Ultimate Runner ng Running Man Philippines.

Ayon kay Angel, gusto niya sa isang lalaki ang pagiging masipag, samantalang ayaw niya naman sa mayabang.

May special mention naman si Kokoy de Santos sa mga sagot ni Angel sa Fast Talk segment.

Kay Kokoy daw siya tatakbo kung siya ay iiyak, at kinikilig siya sa tuwing binibigyan siya nito ng kape.

Sexiest part ng katawan ni Kokoy ang dimples.

Nang tanungin kung ano ang “best thing” sa love team nila na “GeKoy,” sumagot si Angel na “We’re natural.”

Sa isang panayam, sinabi naman ni Kokoy na si Angel ang kaniyang "special friend." --FRJ, GMA Integrated News