Inihayag ng Kapuso star na si Heart Evangelista na sumailalim siya sa in-vitro fertilization (IVF) treatment.

Sa kaniyang cover story ng September issue ng L'Officiel Philippines na iniulat ng PEP.ph, sinabi ni Heart na “one of the toughest, challenging times” ang naging karanasan niya sa pagsasailalim sa IVF.

“It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process,” saad ni Heart. "After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl."

“I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me,” patuloy niya.

Dahil na rin sa naranasang miscarriage noong 2018, binalikan ni Heart ang naramdamang pressure sa sarili na magkaroon ng anak at pag-aalala kung handa na ba siya.

Sa bahaging ito ng kaniyang buhay, tinanong umano ni Heart ang sarili, “‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child?’”

Gayunman, nagpasya siya na ituloy ang IVF. Hinikayat din niya ang mga kababaihan na pag-aralan ang proseso ng IVF "as it buys them time."

"Any time they decide on having a child, the embryo is there," ani Heart. "Whether you decide immediately or five years from now, there is no deadline. Also, the process is available in the Philippines and not just abroad."

"Whether you decide immediately or five years from now, there is no deadline," paliwanag pa niya. —FRJ, GMA News