Isang yate ang sorpresa ni Neri Naig sa kaniyang asawang nagdiriwang ng kaarawan na si Chito Miranda.

Sa Instagram, nag-post si Neri ng larawan ng yate sa loob at labas nito.

"Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise!," saad ni Neri sa caption ng larawan. "May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe!"

"Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!" patuloy niya.

 

 

Inihayag din ni Neri na pinangalanan nila ang yate na "Margarita," na gusto sana niyang ipangalan sa kaniyang anak kung naging babae.

Sinabi ni Neri na kinalaunan ay paparentahan niya ang yate at maaari ding mag-stay umano sa kanilang beach condo ang mga nais magbakasyon.

"Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna... sagad na bulsa ko," ayon kay Neri.

—FRJ, GMA News