Nagpaalala ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo sa mga deboto ng Itim na Nazareno kaugnay sa mga regulasyon sa isasagawang prusisyon o traslacion ng itim na imahen ng Poong HesusKristo ngayong Enero.

Sa pulong balitaan nitong Biyernes, ibinahagi ng feast adviser na si Alex Irasga ang mga sumunod na puwede at hindi puwedeng gawin sa prusisyon:

  •     Huwag sumampa sa andas o sa karuwahe na kinalalagyan ng Itim na Nazareno
  •     Huwag itulak ang ibang deboto
  •     Huwag magdala ng maraming bitbitin. Kung magdadala ng bag, piliin ang transparent para madaling mainspeksyon o masuri.
  •     Kumain bago magsimula ang translasyon upang may sapat na lakas sa kabuuan ng prusisyon.
  • have enough energy throughout the procession.
  •     Huwag gumamit ng payong, caps, o hoodies.
  •     Huwag magtayo ng camping tent, lamesa, o iba pang bagay na pang-picnic lalo na sa mga mag-o-overnight.
  •     Huwag magdala ng tumbler. Kung magdadala ng tubig, ilagay sa transparent na lalagyan.
  •     Huwg magdala ng drone cameras, professional cameras, at selfie sticks.
  •     Huwag magdala ng portable appliances gaya ng stove o pangluto.
  •     Huwag magdala ng malaking bag.
  •     Huwag magdala ng alak o nakalalasing na inumin.
  •     Huwag magdala ng food sticks.
  •     Huwag isama ang mga alagang hayop.
  •     Pinapayagan ang mga deboto na maghagis ng kanilang panyo upang ipunas sa imahen ng Itim na Nazareno.
  •     Kailangan maingat at maayos ang paghila sa lubid na nakakonekta sa andas.
  •     Panatilihin ang kabanalan sa sandali ng Misa at iwasan makalikha ng ano mang makakaagaw ng atensyon.
  •     Panatilihin ang kalinisan sa Quiapo Church at Quirino Grandstand. Dapat itapon ng mga deboto ang kanilang kalat sa basurahan.
  •     Kung may karamdaman, manatili na lang ang deboto sa gilid ng daan.

Bilang bahagi ng taunang kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9, isinasagawa ang traslacion ng 400-taong imahen mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Inaasahan na milyon-milyong deboto muli ang makikilahok sa naturang aktibidad, na ibinalik noong 2024, matapos na matigil ng tatlong taon dahil sa pandemic. --FRJ, GMA Integrated News