Inihayag ni Boy Abunda ang kaniyang paghanga kay Barbie Forteza, na inalala ang pagmamahalan at magandang pinagsamahan ng dating nobyo na si Jak Roberto, nang i-anunsyo ng aktres ang kanilang break-up.

"Any goodbye is painful, lalo na in this context of a romantic relationship. Seven years is a long time, masakit ito pero ang nakakabilib po is pinili ni Barbie to come from a place of love," sabi ni Tito Boy sa kaniyang komentaryo sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes.

"Pinili ni Barbie in that statement na, 'Ang aalalahanin ko ay 'yung magagandang mga bagay,'" dagdag ni Tito Boy.

Ipinunto ng talk show host na bagama't hindi nag-work at masakit na nagkahiwalayan sina Barbie at Jak, "seven wonderful years" naman ang kanilang pinagsamahan at mas naging mabuti pa si Barbie ngayon dahil sa kanilang relasyon.

Binigyan-diin din ni Tito Boy ang hiling ni Barbie kay Jak na sana makahanap ang binata ng magmamahal sa kaniya.

"She must be in pain, Jak must be in pain, and we respect that," anang King of Talk.

Hindi naman nagkomento si Tito Boy hinggil sa dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

"We don't want to speculate kasi ang dami-dami po sa social media speculations kung bakit po sila naghiwalay. I think we should be praying na sana'y maging maayos kasi seven years from now, when we look back, we'll be able to connect the dots kaya pala ganu'n," saad ng host.

Hangad ni Tito Boy ang makabubuti para kay Barbie.

"Ako, Barbie choosing to come from that space of maturity and love ay kahanga-hanga. So we continue to pray for your well-being," dagdag niya.

Binanggit din ni Tito Boy ang nakaraang pahayag ng kapatid ni Barbie, ngunit umiwas siyang magkomento rito.

"I don't wanna go into that because I might be putting meaning into some things that we don't know. Hayaan natin sila mag-heal, but don't get the statement wrong, it is a painful experience," saad ni Tito Boy.

"So, Barbie, you take good care of yourself, maraming salamat for sharing with us your statement. And Jak, mag-ingat kayong dalawa, God bless the both of you," mensahe pa ng King of Talk.

Inihayag ni Barbie nitong Enero 2 na hiwalay na sila ni Jak matapos ang pitong taon nilang relasyon.

Naging magkasintahan sina Barbie at Jak noong Mayo 19, 2017. -- FRJ, GMA Integrated News