Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Rochelle Pangilinan ang pagsisimula niya sa showbiz, kabilang ang pag-sali niya sa grupong "SexBomb" hanggang sa pagtahak niya sa solo career.
Lumaki sa Malabon City si Rochelle, isang mangingisda ang kaniyang ama at housewife naman ang kaniyang ina.
Ayon kay Rochelle, hindi niya talaga hilig ang pagsasayaw noong bata siya.
Pero dahil sa mga school activity, nahasa ang galing ni Rochelle sa paggiling at sumali siya sa mga dance contest sa barangay.
Hanggang sa mapansin siya ng choreographer na si Joy Cancio, na naging daan para makapasok siya sa "Eat Bulaga."
Ipinakilala ang all female dance group na "SexBomb" noong 2000, na nagpasikat ng kanilang dance moves at mga kanta. Kabilang dito ang "Bakit Papa?" at "Spaghetti Song."
Nagkaroon din sila ng drama series na "Daisy Siete."
Taong 2007 nang umalis si Rochelle sa Sexbomb para tahakin ang sarili niyang career, at naglabas ng sarili niyang album na "Roc-a-holic" at ipinakita rin ang talento niya sa pag-rap.
Sa kasalukuyan, isa nang butihing ina si Rochelle kay Baby Shiloh, ang anak nila ng kaniyang mister na si Arthur Solinap.
Ngayon 20 taon na siya sa showbiz industry at marami nang mga proyekto na ginawa sa telebisyon at pelikula, ano-ano nga ba ang mga natutunan niya? Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News