May mga pagkakataon na nagkakaroon din ng paglabag sa batas trapiko nang hindi sinasadya ang ilang celebrity. Pero sino kaya kina Camille Prats at Kiray Celis ang nakilala ng traffic enforcer na sumita sa kanila.
Pero paglilinaw ng dalawa, hindi nila sinadyang magpakilala o ipangalandakan na artista pero umasa lang sila na sana ay makilala sila ng enforcer baka sakaling bigyan sila ng konsiderasyon at mapagbigyan sa violation na "wrong way."
Sa kaso ni Camille, madilim na raw noon nang hindi niya napansin na mali ang kaniyang nalikuan, habang sa kaso ni Kiray ay ang kaniyang ama na may edad na ang nagmamaneho. Panoorin ang nakatatawang kuwento nila sa video sa "Mars Pa More."
--FRJ, GMA News