Inihahanda na ni Rachelle Ann Go at ng asawa niyang si Martin Spies ng nursery room ng kanilang unang anak na si "Baby Spies."
Sa kaniyang Instagram, makikita na sa ika-26 linggo ng kaniyang pagbubuntis, sinimulan na ni Rachelle ang pagsasaayos ng nursery room at mayroon siyang inihandang bassinet para kay Baby Spies, kasama ang isang knitted stuffed toy na ginawa ng kaniyang mother-in-law.
Bukod dito, niregaluhan din si Rachelle ng shoes na personal na hinabi ng ina ni Martin para sa kanilang magiging anak.
Natanggap daw ito ni Rachelle noong kaniyang kaarawan nitong Agosto.
Inanunsyo ni Shin noong Nobyembre na buntis siya at ipinakita ang kaniyang baby bump.
Alam na rin nila ang gender ng kanilang anak pero nananatili muna itong secret at antayin na lang ang big reveal.
--FRJ, GMA News