Sa Taste MNL, sinubukan ni "My Special Tatay" leading lady Arra San Agustin ang dishes ng isang Eastwood Cafe and bar, na nag-se-serve ng "mondial cuisine."
Paliwanag ni Chef Vic Barangan, Executive Chef ng Eastwood Richmonde Hotel, hindi pa ganoong kalawak ang reach ng mga Filipino dishes sa buong mundo kaya ipinrisenta nila ang mga ito sa isang "global, acceptable way."
Kuwela si Arra habang sinusubok ang mga dishes, lalo na nang i-address niya bilang "fish" si Chef Vic sa halip na "chef," at sabihing "Ang salty na ng salted egg."
Ikinuwento rin ni Arra na siya ay half-Mangyan at half-Caviteña, at may dugo ring Spanish, kaya siya ay medyo maputi.
Sinabi rin niyang noong bata siya, gusto niyang maging lalaki, at nagalit pa sa kaniyang ina nang bilhan siya nito ng baby bra.
— Jamil Santos/LA, GMA News