Tinanggal muna sa puwesto ang pulis na nagmamaneho ng police car na pumasok ng EDSA Busway naging sanhi naman ng pagbangga ng isang bus sa railings dahil iniwasan ang sasakyan.
“The PNP has initiated a thorough investigation into the incident. In line with this, the police officer involved has been relieved from duty pending investigation,” ayon sa inilabas na pahayag ng Philippine National Police (PNP).
“Prior to this, the police driver has been issued an Ordinance Violation Receipt by the Quezon City Traffic Enforcement Group for reckless driving,” dagdag nito.
Ayon sa PNP, nagpapatupad sila ng "zero tolerance policy" sa mga nagkakasalang tauhan.
“We place utmost importance on strict adherence to traffic rules and regulations, as well as the responsible utilization of government-issued vehicles,” sabi pa ng PNP.
“The PNP remains dedicated to serving and protecting the Filipino people, while upholding the integrity of our esteemed organization and its core principles,” pagtiyak pa nito.
Limang pasahero ng bus ang nasaktan dahil sa insidente. Dinala sila sa ospital at pinayagan din makauwi matapos na masuri at malapatan ng lunas.
Sa dashcam footage, nakita na binabaybay ng bus ang EDSA busway nang pumasok ang police car sa naturang linya.
Iniwasan ng bus ang police car kaya bumangga ito sa bakod ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Santolan Station southbound.
Dahil sa insidente, pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga driver ng mga sasakyan na pinapayagan na gumamit ng EDSA busway na maging maingat para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Kabilang sa mga pinapayagan sa busway ang mga markadong police car. —FRJ, GMA Integrated News