Hindi na raw ma-withdraw ng isang lalaking nag-invest ng P230,000 sa isang online app ang kanyang pera.
Sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes ni Bam Alegre, sinabing ang bikitmang si Genlor Obdianela na nakakuha naman daw siya ng payout na 10% mula sa online investiment app noong una, at naka-witdraw siya ng mahigit P20,000.
"Nakatanggap ako ng payout hanggang May. So, akala ko legit talaga ang investment," pahayag ni Obdianela.
Kaya nahikayat pa umano siyang mag-invest pa. Sa kabuuan, umabot na ng P230,000 ang naipasok niya sa investment.
Pero bigla umanong nag-close ang investment app at ilang buwan na rin umanong hindi napo-proseso ang kanyang withdrawal request.
"Pinapakiramdaman ko ang mga hearsay na hindi SEC registered... at ang SEC also warned us na hindi nga registered si Flint [ang online investment app]. Nung nagpunta ako sa office address, wala bare na bare yung sinabing office ng Flint," ayon kay Genlor, na isang IT Specialist.
Ngayon, ang kayang halos P209, 000 sa kanyang digital wallet, ay hindi na niya ma-withdraw at hindi na ma-contact ang Flint.
Dagdag ng ulat, hindi lang si Benlor ang nabiktima ng Flint, karamihan umano mga OFW.
Nagsampa na ng rekalmo sa pamunuan ng National Bureau of Investigation si Benlor laban sa pamunuan ng Flint.
Sinusubukan pang kunin ng GMA Integrated News ang pamunuan ng Flint. —LBG, GMA Integrated News