Sa Instagram post, inihayag ni KC Concepcion na nais niyang tapusin ang taon nang "tama," sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipag-usap niya sa kaniyang ina na si Megastar Sharon Cuneta.
Sa naturang post, binati ng anak nina Sharon at Gabby Concepcion ang kaniyang 3.9M followers at ibinahagi ang kahulugan sa kaniya ng kapasukuhan.
"Christmas will always be about love, laughter and time with family for me," panimula ni KC, kasabay ng pagbahagi na "ending the year right" sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniyang ina.
"She always makes the holidays extra magical and special," ayon pa kay KC.
Sa Paskong ito, inihayag din ng aktres na, I’m taking my quiet space to pray, reflect, recharge, reset, and look forward to the blessings I know God has in store for me (and my family)."
"I know nanjan lang si God para samin and magiging ok ang lahat... Especially between my mama and me," patuloy niya.
Sa pagbati niya sa kaniyang followers, saad ni KC, "I hope your holidays are filled with warmth, laughter, endless cuddles, and love… Cheers to a fresh start for the New Year ahead… God bless us all!
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" noong December 2023, sinabi ni Sharon na dalawang beses lang niyang nakita ang kaniyang anak sa taong iyon.
"I missed her so much,” sabi ni Sharon kay Tito Boy.
“Kahit anong hidwaan, ang nanay, minsan nga ‘yung anak na may kasalanan, ikaw pa magpapakumbaba,” saad niya. “Kahit galit na galit ka, pero pag niyakap ka ng anak mo, wala na, nakalimutan mo na, nothing matters.”
Inihayag din ni Sharon nitong nakaraang Mayo na hindi sila nagkakausap ng anak at labis siyang nasasaktan dahil dito.
Sa kabila nito, gumawa ng vlog si KC para sa kaniyang ina nitong nagdaang selebrasyon ng Mother's Day, at inihayag niya na, "Life is short. Let's just love each other, and forgive each other and be happy."
“I love you mom, and I will always cherish these gifts that you’ve given me,” ani KC.
— FRJ, GMA Integrated News