Matapos mabigyan ng Royal pardon, nakalaya at nakabalik na sa Pilipinas ang 13 Pinay na naging surrogate moms at nahatulan ng korte sa Combodia na makulong dahil sa paglabag sa human trafficking, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.
"All 13 women departed Phnom Penh and arrived safely in Manila following the grant of Royal Pardon by His Majesty Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni on 26 December 2024," saad sa pahayag ng DFA.
Nitong nakaraang December 2, nang hatulan ng korte sa Cambodia ang 13 Pinay na makulong ng hanggang apat na taon dahil sa paglabag nila sa Suppression of Human Trafficking, kasunod ng kanilang pagbubuntis para sa ibang pamilya.
"Upon the request of the Philippine Embassy and with the endorsement of the Royal Government of Cambodia, the Royal Decree pardoning all 13 Filipinos paved the way for their release and immediate repatriation," ayon sa DFA.
"The Philippine Government thanks the Royal Government of Cambodia headed by Samdech Moha Borvor Thipadei Prime Minister Hun Manet for the humanitarian treatment extended to the Filipino mothers throughout the investigative and judicial processes," dagdag nito.
Sinabi pa ng DFA na ang pagbabalik ng 13 Pinay ay patunay nang matagal at mabuting ugnayan ng dalawang bansa.
"Their safe homecoming is a testament to the longstanding friendly relations between the Philippines and Cambodia and the firm commitment of both governments to combat human trafficking and other transnational crimes," ayon pa sa DFA.
Una rito, sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty noong Dec. 4, na nanganak na ang isa sa mga buntis.
Ipinaalala muli ng DFA sa mga Pilipino na bawal ang surrogacy sa Cambodia. Maaaring makulong nang dalawa hanggang 20 taon ang magkakasala, ayon kay Philippine Ambassador to Cambodia Flerida Camille Mayo noong Oktubre. —FRJ, GMA Integrated News