Dinarayo ng mga turista ang agaw-pansin na pink muhly grass ngayong autumn season sa Yeonggwang County sa South Korea.
Sa ulat ni Joseph Morong sa “Unang Balita” nitong Miyerkoles, sinabing aabot ng limang oras ang biyaheng bus mula sa Seoul papunta sa Cheongnongwon Farm para makita ang "pink-ture" perfect na damuhan.
Pero kung hindi pa makabiyahe sa naturang bansa, puwede ring bumisita sa isang cafe sa Baguio City na Korean drama vibes ang hatid.
Mula interior hanggang sa mga pagkain, inspired ang mga ito mula sa mga napapanood na sikat na Korean dramas. — Jamil Santos/VBL, GMA News