Kinumpiska ng Quezon City Veterinary Department ang ilang paninda na forzen meat na "mishandled" umano sa isang palengke ng lungsod.
Ayon sa Ulat ng Unang Balita ni James Agustin, hindi umano nakalagay sa freezer o hindi nakaimbak na maayos ang mga karne.
Aabot sa 50 kilos ang mga nakumpiskang mishandled meat sa isang palengke sa Novaliches, at ang ilang storeowners ay nakatatlong beses na umano nabigyan ng warning dahil sa mga maypaglabag, kaya kakasuhan na sila ng mga awtoridad.
Kinumpiska rin ang mga mishandled frozen meat na nakatiwangwang lamang kahit may mga malalaking freezer naman umano na dapat paglagyan. —LBG, GMA News