Ilalagay na muli sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula September 8 hanggang 30, ayon sa Malacañang.
Kasabay nito, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque nitong Lunes, na magiging pilot area ng "granular lockdown" ang Metro Manila sa panahon ng GCQ.
Gayunman, wala pa raw panuntunan sa granular lockdown, at inaasahang sa Martes pa ito mailalabas.
"There are no guidelines yet since the Inter-Agency Task Force is yet to adopt a Resolution on granular lockdown," ani Roque.
Inilagay noong Agosto 6 hanggang 20 ang Metro Manila sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagdami ng COVID-19 cases na dulot ng mas nakahahawang Delta coronavirus variant.
Noong Setyembre 7, naibaba ang quarantine classification sa modified ECQ (MECQ), nagpahintulot sa non-essential services na magbukas sa limitadong kapasidad.
Sa nakalipas na tatlong araw, mahigit 20,000 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa bawat araw.
Tungkol sa granular lockdown, sinabi ni Roque na magiging limitado na rin ang galaw ng authorized persons outside residence (APOR) kapag may lugar na isinailalim dito.
"Iyong APOR po, you can leave but you cannot go back. Wala na pong APOR na labas-pasok. Magbibigay po tayo ng ayuda sa mga granular lockdown, pati pagkain, ibibigay ng gobyerno. Iyon po ang bagong feature, inaasahan po natin na magiging mas epektibo ito," paliwanag niya.
"That is the nature of piloting it. To see if it will work," dagdag pa ng opisyal.
Una rito, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mas makabubuti sa ekonomiya ang granular lockdown, na labis umanong naapektuhan ng mahigpit na community quarantine.
Samantala, narito pa ang quarantine classifications sa iba't ibang lugar sa bansa:
MECQ
- Apayao
- Bataan,
- Bulacan
- Cavite,
- Lucena City,
- Rizal,
- Laguna
- Iloilo province,
- Iloilo City
- Cagayan de Oro City
GCQ with heightened restrictions
- Ilocos Sur
- Ilocos Norte
- Cagayan
- Pangasinan
- Quezon
- Batangas
- Naga City
- Antique
- Bacolod City
- Capiz
- Cebu province
- Lapu-Lapu City
- Negros Oriental
- Zamboanga del Sur
- Misamis Oriental
- Davao City
- Davao Del Norte
- Davao de Oro
- Davao Occidental
- CARAGA
- Butuan City
GCQ
- Baguio City
- Kainga
- Abra
- Benguet
- Dagupan City
- City of Santiago
- Quirino
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Tarlac
- Occidental Mindoro
- Puerto Princesa
- Aklan
- Guimaras
- Negros Occidental
- Cebu City
- Mandaue City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga City
- Zamboanga del Norte
- Misamis Occidental
- Iligan City
- Davao Oriental
- Davao del Sur
- General Santos City
- Sultan Kudarat
- Sarangani
- North Cotabato
- South Cotabato
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Cotabato City
- Lanao del Sur
Ang mga hindi kasama sa listahan ay nasa modified GCQ. —FRJ, GMA News