Muling nagsampa ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa China dahil sa utos nitong fishing ban na sinakop pati ang West Philippine Sea.
“China’s annual fishing moratorium extends far beyond China’s legitimate maritime entitlements under UNCLOS and is without basis under international law,” ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs.
Iginiit ng DFA na panghihimasok sa kalayaan at teritoryo ng Pilipinas ang naturang fishing ban ng China.
Hindi umano kikilalanin ng Pilipinas ang fishing moratorium ng China simula Mayo 1 hanggang Agosto 16, 2021, na sinakop para ang karagatan na ang Pilipinas ang may "sovereignty, sovereign rights and jurisdiction.”
“China can not legally impose nor legally enforce such a moratorium in the West Philippines Sea,” giit ng DFA.
Nakasaad sa kautusan ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China na sakop ng fishing ban ang “waters north of 12 degrees north latitude in the South China Sea,” mga lugar na sakop ang karagatan ng Pilipinas.
“The Philippines strongly urges China to desist from any action and activity that infringes on Philippine sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction, in contravention of international law,” giit ng DFA. —FRJ, GMA News