Mula sa dating "It's More Fun In The Philippines," inilarga na ng Department of Tourism nitong Lunes ang video para sa kanilang bagong campaign slogan na "Experience the Philippines."  Ang video, may kakaibang twist sa huli.

Sa inilabas na pahayag ng DOT nitong Lunes tungkol sa video na makikita sa kanilang Facebook page, sinabing pangunahing mensahe ng kanilang bagong kampanya na makahikayat ng mga turista na, “When you're with Filipinos, life is better.”

Sa naturang video na may habang isang minuto at titulong “Sights,” ipinakita ang karanasan umano ng isang Japanese retiree na nag-enjoy sa kaniyang pamamasyal sa Hundred Islands ng Pangasinan, Banaue Rice Terraces sa Ifugao, at sa Paoay Sand Dunes at Calle Crisologo sa Vigan.

Ayon kay DOT Secretary Wanda Corazon Teo, nais nilang ipakita sa video ad, hindi lang ang magagandang tanawin sa bansa, kung hindi ang maipakilala rin ang mga Filipino.

“We are shifting our focus in our promotional campaigns towards the unique experiences that each destinations could offer, Filipino hospitality, and security,” anang kalihim sa pahayag.

“The basic element of 'fun' remains, as it is truly the Filipinos who make the total tourism experience fulfilling and memorable. The heart and essence of the tourism thrust is the people,” dagdag niya

Panoorin ang video na may kakaibang ending:

-- FRJ, GMA News