Asahan ang posibleng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
“There would be a rollback on the prices of petroleum products based on the four-day trading in the Mean of Platts Singapore,” ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.
Ang posibleng bawas-presyo ay ang sumusunod:
- Gasoline - P0.70 to P0.95 per liter
- Diesel - P0.70 to P0.95 per liter
- Kerosene - P0.80 to P0.90 per liter
“The current trend leans bearish due to the oil market expectations of plentiful supplies and weak demand,” paliwanag ni Romero.
“Likewise, the Gaza Ceasefire Negotiation threatens to erode the geopolitical risk premium of crude and petroleum products,” dagdag pa niya.
Tuwing Lunes inaanunsyo ng mga oil company ang magiging price adjustments, na ipatutupad naman kinabukasan, Martes.
Nitong nakaraang Martes, nagkaroon ng pagtaas ng P0.10 per liter sa gasolina. Habang nagkaroon naman ng roll back sa diesel na P0.40 per liter, at sa kerosene na P0.70 per liter.— FRJ, GMA Integrated News