Dalawang sundalo ang patay matapos tamaan ng kidlat sa Lubuagan, Kalinga, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Batay sa impormasyon ng 5th Infantry Division, nangyari ang insidente habang tinutugis ng mga sundalo ang mga natitirang kasapi ng Communist Party of the Phillippines-New People's Army (CPP-NPA) sa boundary ng Lubuagan at Pasil.

Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Andrew Monterrubio at Private First Class Inmongog Aronchay.

Apat naman ang nasugatan sa insidente. —KBK, GMA Integrated News