Halos sa kahit saan ka nga naman tumingin sa Metro Manila, may mga kongkretong gusali.
Isa raw ‘yan sa dumadagdag sa init sa paligid ayon sa independent non-profit organization na Resilient Cities Network.
“The more concrete we have the more heat it absorbs so with that the heat radiates out to the surroundings that why it’s hotter right now specially with areas with a lot of concrete.”, ayon kay ayon kay Elijah Go Tian, associate - programs ng Resilient Cities Network, isang independent non-profit organization.
Pero huwag mag-alala dahil puwede pa ring magpalamig nang natural sa natitirang mga green spaces sa Metro Manila.
Tulad sa Arroceros Forest Park na may libu-libong puno at ornamental plants at iba’t ibang species ng ibon.
“Puwede tayong makalanghap ng sariwang hangin dito kasi kaysa pumunta tayo sa mga karatig na lalawigan para makalanghap ng sariwang hangin makapunta sa mga gubat o, mga bundok, dito, nasa gitna sya ng maynila.”, Ayon kay Engr. Gideon navarro, officer-in-charge ng Arroceros forest park.
May spaces para sa gustong mag meditate, mag picture-taking sa tabi ng makulay na fountain at esplanade sa tabi ng ilog Pasig kung saan tanaw mo ang M.L Quezon at Ayala bridge.
Enjoy naman ang mga estudyanteng namamasyal dito.
Malapit daw ito sa kanilang paaralan kaya naman convenient puntahan para magpalamig at magrelax.
Ang Arroceros Forest Park ang tinaguriang last "lung" ng lungsod ng Maynila. Bukod sa marerelax at makakapag meditate ka rito, puwede pang matuto.
Dahil bukod sa exhibit tungkol sa mga puno, may nakapaskil din na QR code para malaman ang mga impormasyon tungkol sa puno. Libre ang entrance dito na bukas araw-araw mula 8am hanggang 5pm.
Asean Garden
Kung pagod na sa pamamasyal sa Intramuros, Maynila, puwede namang magrelax at magpalamig muna sa lilim ng mga puno sa sa ASEAN garden.
Dito rin makikita ang bust ng ASEAN leaders at flags.
U.P. Academic Oval
Mapapahinga ka naman sa init ng araw sa ilalim ng naglalakihang puno sa University of the Philippines academic oval. Puwede ring maglaro at magjogging dito.
Ang mga green spaces na ito, environment friendly na, libre pa.
“What we can do more is to help put more greenery in our trees, more trees around our streets at least yes may concrete pa rin siya pero at least mas may shade naman that can block out the heat.”, Ayon kay Go Tian. — BAP, GMA Integrated News