Hawak na ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagkamatay ng mag-inang balikbayan na halos isang buwang nawala at bangkay na nang makita sa Quezon.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, inilahad ng Tayabas City Police na umamin sa krimen ang kapatid ng nakatatandang biktima.
Isinalaysay ng suspek sa pulisya na apat silang magkakasama nang isagawa ang krimen, kung saan kasama rin ang kaniyang asawa.
Hinampas umano nila ng tubo ang ulo ng nakatatandang biktima, samantalang sinaksak naman ang anak nito na ikinasawi nito.
Pebrero 21 nang iulat na nawawala ang mag-inang Lorry Litada at Mai Motegi, galing sa Japan.
Tatlong linggong nawala ang mag-ina, bago natagpuang nakalibing ang kanilang bangkay sa likurang bahay ng suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News