Maghahati sa P121 milyong jackpot prize ang dalawang mananaya na natumbok ang winning combination sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes, Enero 8, 2024.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na dalawa ang nakahula sa lumabas na mga numero na 09-07-29-28-11-18, at may kabuuang premyo na P121,816,502.40.

Sa Facebook page na PCSO Games Online Hub, nakasaad naman na mayroong 252 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na P32,000.00 ang premyo.

Samantala, wala namang sinuwerteng manalo sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na umaabot ang premyo sa P622,896,835.60.

Ang lumabas na mga numero ay 08-18-24-17-28-04.

Pero mayroong 215 na mananaya ang nanalo ng 2nd prize na may premyong P100,000.00. —FRJ, GMA Integrated News