Hindi pa rin tinamaan ang multi-milyong jackpot prizes sa Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49 nitong Martes, Nobyembre 21, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na walang nakahula sa lumabas na mga numero sa Ultra Lotto 6/58 draw na 20-35-27-07-19-33, na may kabuuang premyo na P146,625,053.00.

Wala ring masuwerteng tumama sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49, na ang lumabas na mga numero ay 13-16-18-15-37-29, at umabot na ang kabuuang premyo sa P160,127,614.60.

Hindi rin tinamaan ang kasabay pa nitong draw na Lotto 6/42, na ang winning number combination naman ay 25-03-39-27-08-35, at may premyong P11,191,065.00.

Samantala, P2,780,613.32 na ang premyo sa 6D Lotto na wala ring nakahula sa lumabas na mga numero na 0-2-7-2-4-6.-- FRJ, GMA Integrated News