Kinumpirma ng hunk actor na si Royce Cabrera na muntik na niyang iwanan ang showbiz at magtatrabaho na lang sana siya sa ibang bansa.

Inihayag ito ni Royce sa cooking talk show na "Lutong Bahay" nang tanungin ng host na si Mikee Quintos kung totoo na minsan pumasok sa isip niya na sumuko na sa showbiz.

Ayon kay Royce, naisip niyang iwan noon ang pag-arte dahil sa parang wala umanong nangyayari sa kaniyang career.

β€œ'Yung isa namang muntik ko na talagang i-give up 'yung showbiz, 'yung parang 2019 ata o 2018 pa. Kaka-graduate ko lang na sabi ko parang walang nangyayari,” paglalahad ni Royce.

Kasama sa plano ni Royce na magtatrabaho na lang sana siya sa Singapore sa larangang may kinalaman sa natapos niyang kurso sa kolehiyo kung sakaling ituloy niya ang pag-alis sa showbiz.

β€œAng sign ko noon, 'pag nakuha ako doon sa lead role sa F#*@bbois sa Cinemalaya. Kapag ako nakuha doon, laban ako pero 'pag 'di ako nakuha...'” saad niya.

Sa kabutihang-palad, nakuha ni Royce ang lead role kasama ang kapuwa-Kapuso na si Kokoy De Santos.

Kinumpirma rin ni Royce na hindi niya pinaalam sa pamilya ang tungkol sa naturang proyekto dahil sa mayroong mga intimate scene.

Ngayon, bukod sa mga TV project, kasama rin si Royce sa pelikulang "Green Bones," na official GMA Pictures entry sa 50th Metro Manila Flim Festival.

Pinagbibidahan ito nina Dennis Trillo at Ruru Madrid sa direksiyon ni Direk Zig Dulay.--FRJ, GMA Integrated News