Hindi na muna pinadadaan ang mga heavy equipment vehicles ang tulay na nagkokonekta sa mainland Leyte at Biliran dahil sa kakaibang pag-uga nito na tila umaalon ang daan.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, mga light vehicles lang na katulad ng passenger van at SUV ang pinayagan ng Department of Public Works and Highways na dumaan sa tulay.

Pinayagan din ang mga bus na gumamit ng tulay pero kailangang pababain muna ang mga pasahero bago sila tumawid.—FRJ, GMA Integrated News