Napukaw ang atensyon ng commuters sa isang aso na marunong bumalanse habang tumatambay sa bubong ng namamasadang jeep sa Zamboanga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Saksi, mapapanood ang chill na chill na asong si Kibul sa ibabaw ng jeep habang abala sa pamamasada ang kaniyang may-ari na si Samuel.

Sumasama si Kibul sa biyahe ni Samuel dahil tila umiiyak ito sa tuwing naiiwan.

Kaya naman nag-iingat si Samuel sa pagmamaneho, habang lumilipat sa front seat si Kibul tuwing tanghali. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News