Nasawi ang isang lalaki matapos na makuryente habang nagpipintura sa labas ng isang gusali sa Caloocan City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" mula sa Super Radyo dzBB nitong Biyernes, sinabi ng saksing guwardiya na una muna siyang nakarinig nang malakas na pagsabog.

Nang tingnan umano niya ang pinagmulan ng pagsabog, nakita niya ang biktima na umuusok pa ang katawan at nakasabit sa harness.

Kinailangan pang gumamit ng boom crane para maibaba ang biktima.

Isinugod siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival. --FRJ, GMA Integrated News