Nasawi ang isang lalaki matapos siyang mahulog sa lagusan ng elevator sa isang gusali sa Maynila.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na sira ang pinto ng elevator kaya nabuksan kahit wala itong elevator car o yung sinasakyan ng mga tao.

Sa pag-aakala ng may elevator car, pumasok ang biktima at doon na siya nahulog sa taas na apat na palapag.

Dinala sa ospital ang biktima pero binawain din ng buhay.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng gusali, ayon sa ulat. --FRJ, GMA Integrated News