Nasawi ang isang dentista nang sumalpok ang minamaneho niyang SUV sa likod ng isang truck na nakatigil sa gilid ng kalsada sa Argao, Cebu.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing inabot ng isang oras bago nakuha sa pagkakaipit ang driver ng SUV.

Isinugod siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

Sasampahan naman ng mga reklamo ang driver ng truck.

Malapad umano ang kalsada sa pinangyarihan ng insidente at pumaparada doon ang mga driver ng truck  para magpahinga.-- FRJ, GMA Integrated News