Nasunog ang bahay ng singer na si Jaya sa Amerika. Ayon sa mang-aawit, ligtas ang buo niyang pamilya.

Nitong Lunes, nag-post si Jaya sa Instagram ng larawan ng kanilang nasunog na bahay.

"Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but God is good!" saad niya sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaya Gotidoc (@jaya)

 

Sa comment section, nagpaabot ng dasal at mensahe ang ilang kapuwa niya celebrities tulad nina Pokwang, Pops Fernandez, Heart Evangelista, Candy Pangilinan, at iba pa.

"God bless and protect your family miss @jaya [prayer emoji]," sabi ni Pokwang.

Saad naman ni Candy, "Prayers offered for you and your family. I thank God all of you are safe."

Matatandaan noong 2021 nang magpasya si Jaya na manirahan na sa US kasama ang kaniyang pamilya.—FRJ, GMA News