Wala pa ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 11, 2022, na umabot na sa mahigit P214 milyon ang jackpot prize.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na walang nakatama sa lumabas na mga numero na 18-35-50-46-19-45.

Mayroon itong kabuuang premyo na P214,398,383.20.

Sa darating na Linggo ang sunod na draw ng Ultra Lotto 6/58.

Wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na number combinations ay 08-21-26-02-41-01, at may premyong P10,995,681.40. --FRJ, GMA Integrated News