Namangha ang mga residente sa nasaksihan nilang mapulang kalangitan sa ilang lugar sa Bicol Region.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Balitanghali nitong Biyernes, makikita sa isang larawan ang langit na nagkulay-pula sa Daet, Camarines Norte noong Lunes, na nakunan bago pa ang bukang-liwayway.

Sa Catanduanes naman, kulay-pink ang kalangitan mula naman sa Virac hanggang sa Gigmoto.

Namataan din ang mga kulay pula, kahel at lila kasabay ng paglubog ng araw sa Catanduanes.

Paliwanag ng PAGASA, posible itong mangyari kung maraming particles sa himpapawid na naiilawan ng sikat ng araw sa bukang-liwayway o takip-silim. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News