Nadisgrasya at nasawi ang isang 23-anyos na mangingisda nang makalusot sa lalamunan niya ang isang buhay na isda na kaniyang nahuli at kakagatin sana ang ulo sa Cebu.

Sa ulat ng GTV News “State of the Nation” nitong Lunes, ikinuwento ng kinakasama ng lalaki na sumama ang biktima sa pangingisda.

Habang hinihila ang lambat, isa sa mga nahuling mga isda na buhay ang kinuha nito at kinakagat ang ulo.

Nagpumiglas ang isda at nakapasok sa kaniyang lalamunan at bumara, na dahilan para hindi na siya makahinga.

Hindi tinukoy sa ulat kung gaano kalaki ang isda pero namaga umano ang lalamunan ng lalaki.— FRJ, GMA Integrated