Natagpuan na natutulog sa kagubatan ang isang batang babae na nawala matapos mag-sleepwalk sa Louisiana sa Amerika.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing natunton ang bata sa tulong ng thermal imaging drone, pagkaraan ng isang araw matapos siyang iulat ng pamilya na nawawala.

Nakita ng mga rescuer ang bata na nakabaluktot na nakahiga sa lupa na walang sapin.

Malapit lang sa gubat ang bahay ng bata.

Isang volunteer na taga-Arkansas ang nagmabuting-loob na ipahiram ang kaniyang drone upang mahanap ang bata kahit malalim na ang gabi. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News