Isang labi ng pinaniniwalaang spade-toothed whale, na isa sa pinaka-rare na species sa mundo, ang natagpuan sa isang beach sa New Zealand.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng mga eksperto wala pang namamataang buhay na spade-toothed whale.
Kaunti pa lamang din ang impormasyon tungkol sa nasabing balyena.
Magmula pa noong 1800s, anim na sample lamang ng ganitong species ang dokumentado sa buong mundo.
Nagpadala na ng genetic sample nito sa University of Auckland upang masuri. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News