Nangangamba ang ilang residente sa isang barangay sa Calasiao, Pangasinan dahil sa posibleng dambuhalang ahas na gumagala sa kanilang lugar.
Sa ulat ni Russel Simorio ng GMA Regional TV One North Central Luzon, makikita ang malaking pinagbalatan ng ahas na nakita umano malapit sa kabahayan sa Sitio Nibaliw sa Barangay Bued.
Hinihinala ng mga residente na ang ahas ang nasa likod ng pagkawala ng ilan nilang mga alagang hayop gaya ng mga manok at maging aso.
Humihingi ng tulong ang mga residente para hanapin at hulihin ang ahas kung nasa kanilang lugar pa ito.-- FRJ, GMA Integrated News