Sugatan ang isang rider matapos umanong atakihin siya ng isang sawa na halos 10 talampakan ang haba habang nagmomotorsiklo sa Antequera, Bohol. Ang sawa, hindi nakaligtas sa kagat ng lalaki.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing dinala sa ospital ang lalaki na si Boljulio Aleria dahil sa tinamong mga sugat.

Ayon sa biktima, nahulog siya sa motorsiklo at nakapagbuno pa sa sawa ng 10 minuto dahil pumulupot sa kaniya ito.

Nagawang makaligtas ni Aleria nang makagat niya ang sawa na isang reticulated python, na uri ng ahas na walang kamandag. -- FRJ, GMA Integrated News