Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapapanood ang nakamamanghang kumpulan ng mga ibon na nasaksihan ng mga tao.
Ngunit kalaunan, may napansin na silang kakaiba nang marami sa ito ang nasa kalsada lang.
Nang lapitan ng mga tao ang mga ibon, doon nila nadiskubre na bumagsak ang mga ito at hindi na kayang lumipad.
Ang biglang paglamig ng temperatura sa lugar ang itinuturong dahilan kaya nag-freeze ng mga ibon at nagbagsakan.
Sinabi ng mga residente na mabilis na bumagsak ang temperatura sa lungsod. Mula sa 30 degrees Celsius, bigla itong bumaba sa 10 degrees Celsius sa loob lamang ng isang araw.
Noon namang Oktubre 10 sa Chicago, USA, halos 1,000 migratory birds ang namatay sa loob lang ng magdamag.
Bukod sa pagbabago ng panahon, bumangga sila sa isang gusali na gawa sa salamin.
Mga palm warbler at yellow-rumped warbler ang marami sa mga ibong namatay matapos nilang bumangga sa mga bintana ng Lakeside Center at iba pang campus building ng McCormick Place.
Ayon sa mga eksperto, hindi nakakakita ng mga reflective glass ang mga ibon kaya madalas silang bumabangga rito.
Nakadepende rin sila sa mga bituin sa tuwing lumilipad sa gabi kaya nalilito sila sa liwanag mula sa mataas na gusali.
Tiniyak naman ng McCormick Place na gumagawa sila ng mga hakbang para hindi na maulit ang trahediya.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News