Kinailangang operahan ang isang batang dalawang-taong-gulang sa Peru dahil sa mga karayom na kaniyang nalulon.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing tumagal ng dalawang oras ang operasyon para maalis ang walong karayom na nasa loob ng tiyan o bituka ng bata.
Maayos na ang kalagayan ng bata at nagpapagaling sa ospital.
Posible umano na nakuha ng bata ang mga karayom sa farm kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ina.
Maaaring ginagamit umano ang mga karayom sa pagbabakuna sa mga hayop. -- FRJ, GMA Integrated News